![]() |
| Sept. 24 meeting |
From that short conversation I learned what already transpired from all the meetings I had missed. And I also learned that Rajah came all the way from like twenty kilometers away but he was the first one to arrive at the place. I felt ashamed that I was just some steps away but I failed to show up in previous meetings. I felt more embarrassed when I learned that the other active members, William, Armie and Ulysses had to travel for ten to more than twenty kilometers to be there for the meeting. They definitely have such an admirable trait, constantly attending every meeting just to ensure that our homecoming will be a successful one. What is more admirable is that they do this without any monetary favor. As a matter of fact, most of the members spend their own money to share for the expenses in the meeting.
I learned of the group’s project for the school but with every project is the need for funding, of course. That is the hardest part in whatever undertaking but the good part of it all is that there are friends who have the initiative to share a part of their earning for one worthy cause. With that, the essence of homecoming provided a deeper meaning. It is not just being reunited with friends but more of giving back. It is not about comparing our achievements with others but sharing our blessings for whatever big or small achievements we attained. We still have a month of preparation to do and there might still be challenges ahead of us. We all need to keep this essential bible verse in mind.. “Two are better than one, because they have a good return for their work:”
Also Joey's FB posts keep on reminding everyone especially those who have every means to help that it is the intention of the group to provide for our less fortunate members. This homecoming could be our chance to build each other up, to provide inspiration and help our friends believe that they still have a good shot at the good life. As we were always taught... “If there is a poor man among your brothers...do not be hardhearted or tightfisted toward your poor brother. Rather be openhanded and freely lend him whatever he needs.” So I hope that we will all take part in this homecoming and grab this very rare opportunity to be a blessing to our friends.
Did I regret being in that meeting? Definitely NOT! As a matter of fact, all who were there that night were just lucky as one friend offered to provide free personalized T-shirts. There were some who provided for the meals that night and also those who shared a considerable amount for the batch's project. The spirit of camaraderie and volunteerism manifest in an unexpected way, indeed! How it could become contagious all depends on the rest of us.
Note:
~Friend, your remark in our last meeting forbid me to say your name explicitly in this post. Anyway, thank you for the meal, the shirts and for your generosity...you know who you are.
===
Mula sa maikling pag-uusap ay nalaman ko kung ano na ang mga napagkasunduan mula sa lahat ng mga pulong na hindi ko napuntahan. At nalaman ko rin na si Rajah na mula sa lugar na halos dalawampung kilometro ang layo ay siya pa ang palaging unang dumarating sa lugar. Nakadama ako ng pagkapahiya sa aking sarili sapagkat sa kabila ng ilang hakbang lamang ang layo ng aming tirahan ay hindi ako nakadadalo sa pulong. Mas nakadama ako ng pagkapahiya nang malaman ko na ang iba pang mga aktibong miyembro, sina William, Armie at Ulysses ay nagmula pa sa higit sampu hanggang dalawampung kilometro ay palaging naroon sa pulong. Kahanga hangang talaga ang kanilang katangian dahil sila ay palaging naroon upang matiyak na ang aming muling pagkikita-kita ay maging matagumpay. At ang mas kahanga-hanga ay ginagawa nila iyon na walang anumang kapalit na kabayaran. Sa katotohanan pa nga, ang karamihan ng mga miyembro ay nag-aambag sa gastusin mula sa kanilang sariling pera.
Nalaman ko ang proyekto ng grupo para sa paaralan ngunit sa bawat proyekto ay kailangan ng pondo. Iyon ay ang mahirap na bahagi sa anumang gawain ngunit ang maganda doon ay ang pagkakaroon ng inisyatibo na makapagbahagi para sa isang magandang saloobin. Dahil doon ay nagkaroon ng isang malalim na kahulugan ang aming pagtitipon. Ito ay hindi lamang para makitang muli ang mga kaibigan kung hindi mas higit na makapagbahagi . Ito ay hindi tungkol sa paghahambing ng aming mga tagumpay ngunit ang pagbabahagi ng anumang malaki o maliit na tagumpay na aming nakamit. Mayroon pa kaming isang buwan ng paghahanda at maaaring marami pang hamon na haharapin. Sa puntong ito ay kailangan nating isaisip na... "Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. "
At sinabi rin ni Joey na laging nagpapaalala sa kanyang FB na mainam na makibahagi ang mayroong malaking maitutulong para sa mga kaibigan na walang anuman sa buhay. ito ay ang layunin ng grupo upang makapagbahagi ng mabuting bagay para sa hindi gaanong pinalad. Ito ay maaaring ating pagkakataon upang maiangat ang bawat isa, upang magbigay ng inspirasyon at matulungan ang ating mga kaibigan na maniwalang mayroon din silang magandang tsansa sa isang magandang buhay. Tayo ay napangaralan ... " Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, ..., ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid.” Kaya sana ay mas maraming makibahagi sa bihirang pagkakataong ito upang magsilbing biyaya sa mga kaibigan.
Pinagsisihan ko ba ang pagdalo sa pulong? Sadyang HINDI! Sa katunayan ay, ang lahat ng dumalo ng gabing iyon ay lubhang maswerte sapagkat nabiyayaan lahat ng libreng mga kamiseta mula sa isang mabuting kaibigan. May mga ilan na nagbigay para sa pagkain at pati na rin mga nagbahagi ng halaga para sa proyekto ng batch. Ang diwa ng pakikipagkaibigan at bolunterismo ay lubhang nahahayag sa isang hindi inaasahang paraan. Kung paanong ito ay makakahawa sa iba ay nakasalalay sa ating lahat.

Setyembre 24, ang araw ng pulong para sa paghahanda sa homecoming ay sumapit na. Habang ako ay papunta sa lugar ay sinubukan kong ilarawan sa aking isip ang mga mukha ng aking mga kaibigan na inaasahan kong makikita doon. Mula sa ilang yardang layo ko ay nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa harap ng opisina. Hindi ko halos mapagtanto ang kanilang hitsura ... "Mukhang wala pa sila" ... ang nasa isip ko ... Nagdalawang isip ako kung tutuloy ako at bago pa man ako tumalikod ay narinig kong may tumawag sa aking pangalan. Ang bating iyon ay nagpawala ng lahat ng aking pagaatubili ng mga oras na iyon. Ako ay natutuwa na mayroong magaling na memorya si Rajah dahil sa kabila ng napakahabang taon na lumipas, nakilala pa rin niya ang mukhang ito. Ipinakilala niya sa akin si Maggie at pagkatapos ay nagkaroon kami ng kaunting kamustahan at paguusap habang hinihintay pa ang pagdating ng iba pang mga kaibigan.
Mula sa maikling pag-uusap ay nalaman ko kung ano na ang mga napagkasunduan mula sa lahat ng mga pulong na hindi ko napuntahan. At nalaman ko rin na si Rajah na mula sa lugar na halos dalawampung kilometro ang layo ay siya pa ang palaging unang dumarating sa lugar. Nakadama ako ng pagkapahiya sa aking sarili sapagkat sa kabila ng ilang hakbang lamang ang layo ng aming tirahan ay hindi ako nakadadalo sa pulong. Mas nakadama ako ng pagkapahiya nang malaman ko na ang iba pang mga aktibong miyembro, sina William, Armie at Ulysses ay nagmula pa sa higit sampu hanggang dalawampung kilometro ay palaging naroon sa pulong. Kahanga hangang talaga ang kanilang katangian dahil sila ay palaging naroon upang matiyak na ang aming muling pagkikita-kita ay maging matagumpay. At ang mas kahanga-hanga ay ginagawa nila iyon na walang anumang kapalit na kabayaran. Sa katotohanan pa nga, ang karamihan ng mga miyembro ay nag-aambag sa gastusin mula sa kanilang sariling pera.
Nalaman ko ang proyekto ng grupo para sa paaralan ngunit sa bawat proyekto ay kailangan ng pondo. Iyon ay ang mahirap na bahagi sa anumang gawain ngunit ang maganda doon ay ang pagkakaroon ng inisyatibo na makapagbahagi para sa isang magandang saloobin. Dahil doon ay nagkaroon ng isang malalim na kahulugan ang aming pagtitipon. Ito ay hindi lamang para makitang muli ang mga kaibigan kung hindi mas higit na makapagbahagi . Ito ay hindi tungkol sa paghahambing ng aming mga tagumpay ngunit ang pagbabahagi ng anumang malaki o maliit na tagumpay na aming nakamit. Mayroon pa kaming isang buwan ng paghahanda at maaaring marami pang hamon na haharapin. Sa puntong ito ay kailangan nating isaisip na... "Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. "
At sinabi rin ni Joey na laging nagpapaalala sa kanyang FB na mainam na makibahagi ang mayroong malaking maitutulong para sa mga kaibigan na walang anuman sa buhay. ito ay ang layunin ng grupo upang makapagbahagi ng mabuting bagay para sa hindi gaanong pinalad. Ito ay maaaring ating pagkakataon upang maiangat ang bawat isa, upang magbigay ng inspirasyon at matulungan ang ating mga kaibigan na maniwalang mayroon din silang magandang tsansa sa isang magandang buhay. Tayo ay napangaralan ... " Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, ..., ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid.” Kaya sana ay mas maraming makibahagi sa bihirang pagkakataong ito upang magsilbing biyaya sa mga kaibigan.
Pinagsisihan ko ba ang pagdalo sa pulong? Sadyang HINDI! Sa katunayan ay, ang lahat ng dumalo ng gabing iyon ay lubhang maswerte sapagkat nabiyayaan lahat ng libreng mga kamiseta mula sa isang mabuting kaibigan. May mga ilan na nagbigay para sa pagkain at pati na rin mga nagbahagi ng halaga para sa proyekto ng batch. Ang diwa ng pakikipagkaibigan at bolunterismo ay lubhang nahahayag sa isang hindi inaasahang paraan. Kung paanong ito ay makakahawa sa iba ay nakasalalay sa ating lahat.

1 comments:
salamat batch...kita kita tayo sa reunion!
Post a Comment